Thursday, July 19, 2012
ItoAngKwentoKo (MyStoryline): HANG OVER OF LOVE
ItoAngKwentoKo (MyStoryline): HANG OVER OF LOVE: Ilang gabi lang yun pero halos ang tagal na sa pakiramdam. Biruin mo sa halos limang buwan kang walang nararamdamang ganun, tiyaka ka la...
HANG OVER OF LOVE
Ilang gabi lang yun pero halos ang tagal na sa pakiramdam. Biruin mo sa halos limang buwan kang walang nararamdamang ganun, tiyaka ka lang ule kinilig ng ganun. Imagine na kahit nakatali kana sa isang tao at sinsabi mong mahal mo, eto ka't kinikilig sa bawat eksena ng taong masasabi mong nagbigay ng konting kulay sayo. Yun nga lang, saglit lang at parang walang nangyari. Nakakatawa lang dahil sana sa pagpasok mo sa isang bagay na akala mo'y pwedeng magtagal ay tiyaka naman pala may mabubuo at magbabalik na isang relasyon. Syempre hindi ka pwedeng umarte ng parang ikaw ang nauna dahil sa simula palang alam mong may tao na sa loob ng puso ng taong akala mo'y magbibigay sayo ng bagong kulay. Gusto kong tumawa ng malakas at paulit-ulit pero aaminin ko natatamaan din ako. Haha... ang lakas nya kasing mang "hang " at"over" syang mang deadma, pero sa totoo lang affected din ako. Tapos susundan ka ng mga eksenang pang tele serye or paocketbook. Yung tipong gusto mo ng umiwas din para matulungan mo syang iwasan ka ng tuluyan at sabihing "trip" lang pala yun. Malalaman mong nagkaintindihan na sila't nagkamabutihan ule. Yung tipong magkakasalubong-salubong kayo or makakasalubong mo yung taong nauna sa puso nya. At ikaw naman na halos ayaw mo nang makita dahil alam mong hindi kana nya papansinin ule. Pero okey ka parin kasi alam mo naman na mangyayari yun at mangyayari. Yun nga lang naunahan ka ng konting kilig sa maeksing pagkakataon. Tapos eto ka hahanapin mo si laptop or si ballpen at notebook para magsumbong ng mga pangyayaring ginawa sayo or mga bagay na nagbigay sayo ng konting isipin. Buti nalang at kahit papaano masasabi mong ayaw mong maging "home-breaker" or umatend ng party yun nga lang third ka sa attendance. Anyway, sa susunod ule kung may susunod pa nga ba...salamat sa pagbabasa hanggang sa muli...
-margaret
Subscribe to:
Posts (Atom)