Monday, July 29, 2013
Wednesday, July 17, 2013
~ Ikaw Lang Naman Talaga ~
~ Ikaw Lang Naman Talaga ~
Kahit ilang beses tayo mag-away, ikaw pa din mahal ko. Kahit ilang beses pa tayo magkaroon ng tampuha, ikaw pa din ang mahal ko. Kahit ilang araw na tayong hindi nagkikita, ikaw pa din ang mahal ko. Kahit ang daming lumalandi sa akin, ikaw pa din ang mahal ko. Kahit naiinis ako sayo minsan, ikaw pa din ang mahal ko. Kahit ang daming nagpapapansin sa akin, ikaw pa din ang mahal ko. Kahit isang beses lang tayo magkita sa isang buwan, ikaw pa din ang mahal ko. Kahit lumipat ka pa ng ibang bansa, ikaw pa din ang mahal ko. Kasi ikaw lang naman talaga eh.
Ikaw lang yung nagpapakilig sa akin ng ganito, yung may kasamang hampas sa katabi, ikaw lang ang may kayang papulahin ang mukha ko ng dahil sa mga sinasabi mo. Ikaw lang ang nakakapagpatawa sa akin habang ako ay may tampo sayo. Ikaw lang yung taong pinapatawa ako kahit ikaw ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Isa ka sa mga taong nagpapasaya sa akin.
Subscribe to:
Posts (Atom)