Tuesday, November 22, 2011

BAKIT TAYO GANITO

 Lahat tayo ay nakakaranas ng kabiguan sa buhay, bahagi na ito ng ating buhay. Halos araw- araw meron tayong hinaharap na pagsubok na kung minsan ay ginagawa lang nating sisiw at agad nalalagpasan natin. Pero kung minsan din naman, sadyang hindi natin makita o mahanapan ng solusyon. Kaya't dahilan nang minsan din nating pagtakas o pagtalikod sa pagsubok na ating kinakaharap. Marami sa atin ang madalas ay hindi lumalaban sa hamon ng buhay. Mabilis na sumusuko at tinatanggap nalang kung ano ang nasa ating harapan. Sinasabi natin na ito ang kapalarang bigay sa atin ng Poong lumikha. Hindi marahil alam ng iba sa atin ang tunay na kagustuhan ng Lumalang ay ang mapabuti tayo sa ating buhay. 














Ipinahiram sa atin ang buhay natin sa kadahilanang kaya natin itong alagaan at mapabuti sa kabila ng kanyang pag babantay at pag uunawa sa atin. Ngunit sadyang nakakalungkot na marami sa atin ang hindi binibigyang halaga ang buhay na ipinahiram sa atin. Madalas isinisisi natin sa Taas ang mga hindi magagandang pangyayari at nangyayari sa ating buhay. Bukod sa kadahilanang ipinanganak tayong mahirap at walang pormal na edukasyon, maaaring ang tunay na dahilan ng ating hindi pagtatagumpay ay ang ating sariling pananaw at kulang na pag unawa sa ating kalagayan.










-itutuloy


-margelo05

No comments:

Post a Comment