Monday, November 28, 2011

SUBA Short for YOSI Or SIGARILYO

"SUBA" Ito naman ang bagong tawag sa sigarilyo ng mga smoker. Tulad din "nomo" inembento ito ng mga beki o yung mga taong nasa ikatlong lahi ika nga. Madalas na rin itong naririnig sa lipunan or community. Pero di tulad ng ibang imbentong salita, ang suba ay karaniwang maririnig sa mga sosyalerang tao partikular na ang ang mga party goers. Mapa babae or lalake ay ginagamit ang salitang ito kapalit ng tunay na tawag sa sigarilyo. Kalimitan, ang salitang suba ay mas maraming naibibigay na kahulugan ng mga taong hindi sanay sa tawag na ito. Gaya ng mga magulang na walang ginawa kundi ang alagaan ang kanilang mga anak at kung maaari ay mapaiwas sa mga bisyo tulad ng paninigarilyo. Pero dahil sa salitang ito, nakakalusot parin ang mga kabataang gustong subukan o pasukin ang bisyo ng paninigarilyo. Halimbawa ng ganitong eksena :





Magkaibigan galing sa school umuwi sa bahay, magkapit bahay lang.


Student        : Ay tol, yung suba ko pala naiwan ko sa bag mo.
Anak            : Ha? wala saken, hindi ba kinuha mo na kanina sa school?
Magulang     : Anak? ano bang yang suba na naiwan ng kaibigan mo sa bag mo? 
Anak            : Ah wala po nay, yung notebook nya nakilagay kasi sya kanina sken e.
Student         : Opo tita, naiwan ko po kanina sa kanya.
Magulang      : Ah, kala ko kung anong suba ang sinasabe nyo, san nyo ba napulot yang salitang yan?
Anak             : Naku nay, wala po yun wag nyo nalang pansinin.





Ayun, sa muling pagkakataon, naisahan nanaman ang kawawang magulang. Pasok nanaman sa ister ng mga mapusok na anak. Pero ngayon, sa pagkakataong ito, wala na silang maitatagong bagong salita sa magulang. Dahilan narin yan ng madalas na paggamit ng mga beki ng salitang imbento nila.


So, yan ha alam nyo na ang ibig sabihin ng salitang suba, kaya kapag narinig nyo ito sa iba, wag na kayo magtaka o magtanong kung ano ba ang kahulugan ng salitang suba.


Hanggang sa muli,...maligayang pagbabasa.




-margelo05

4 comments:

  1. another hit! Suba sa Subastahan.... hahaha.... just got rid of it!!!! goodluck to subaero't subaera! hahaha!!!!

    ReplyDelete
  2. heheheh.... hindi ba pwede Chuba ang tawag..? hahaha

    ReplyDelete
  3. galing talaga ng mga beki mag imbento ng words, palibhasa ksi may mga lihim na agenda in short "masisikreto". haha...pero still the best!!

    ReplyDelete
  4. @ Anonymous,...thnx for reading....

    ReplyDelete